Girly Tumblr Themes
'Yung mga taong may “Official” at “Real” sa Username

beben-eleben:

Wow! Artista? May Poser?!

image


Ginny:  Bakit nga? Sabihin mo sa akin bakit di mo nagustuhan. I deserve an explanation!
Marco:  Anong sinabi mo?
Ginny:  I need an acceptable reason.
Marco:  Bakit?
Ginny:  Dahil trinabaho ko yun. Pinaghirapan ko yun. I invested my time and my effort.
Marco:  Kaya kailangan mong malaman kung anong mali?
Ginny:  Oo! Dahil kung may problema, gagawan ko ng paraan!
Marco:  Dahil hindi lang oras at pagod mo ang pinuhunan mo, 'di ba? Pati puso at kaluluwa mo, 'di ba? Dahil ginawa mo yun para sa isang taong iniisip mo na may tiwala at paniniwala sa'yo, 'di ba? Na kung magkakamali ka man, iniisip mo na bibigyan ka niya ng pagkakataon na itama yun, kasi pinaniwala ka niya na mahal ka niya, na mahalaga ka sa kanya, na iisa ang pangarap niyo, na pareho kayo ng tinatanaw na buhay, 'di ba? Kailangan mong malaman kung bakit isang umaga paggising mo biglang nagbago ang lahat? Bakit wala na siya? Bakit mag-isa ka na lang? Kailangan mo ng dahilan, 'di ba? Kailangan mo ng mapanghahawakan. Kung bakit kailangan mong tiisin na magmukhang tanga, na magmukha kang tae sa paningin ng ibang tao, sa paningin mo sa sarili mo. Kasi hindi mo alam kung paano eh, hindi mo alam kung kailan, hindi mo alam kung ano nangyari, kung ano ang mali sa'yo, kung bakit ka niya iniwan.
Ginny:  Marco...
Marco:  Anong karapatan mong hingiin ang isang bagay na ipinagdamot mong ibigay?
Ginny:  Marco... Marco...
Marco:  I deserve an explanation! I deserve an acceptable reason!
Ginny:  Marco, I'm sorry.
Marco:  O bakit? Ba't 'di mo sinabi sa akin ang totoo?
Ginny:  Natakot kasi ako.
Marco:  Huh, and you expect me to believe that? Sa tapang mong 'yan?
Ginny:  Hindi kita gustong saktan, Marco.
Marco:  I almost died. And everyday, I wish I did! Tell me!
Ginny:  I was beginning to see my father in you. Talunan, mababa ang pangarap. Marco, pa'no ko sasabihin sa'yo yun? Na unti-unti ng nawawala yung paghanga ko sa'yo, yung respeto ko. Natakot akong maging katulad tayo ng Nanay at Tatay ko.
Marco:  Kahit masakit, dapat sinabi mo. Alam mo kung ano ang namatay sa akin, Ginny? Trust. Hindi ko na kayang magtiwala sa'yo.